Skip to content

Demo only: a sample website proposal, not an official MENRO Kalamansig service. Reports sent here are not monitored.

MENRO Kalamansig: 0909 334 9801
News and advisories
Cleanup drive

Clean-up drive at Barangay Cadiz

Posted November 20, 2026

Isang matagumpay at makabuluhang gawain para sa kalinisan at pangangalaga ng ating kapaligiran.

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakiisa at naglaan ng kanilang oras at pagsisikap upang maging matagumpay ang ating Clean-Up Drive sa Coastal Area ng Barangay Cadiz.

Lubos din ang aming pasasalamat sa ating mga Barangay Officials sa kanilang suporta, malasakit, at pagbibigay ng pagkain, partikular na ang masarap na bihon at tinapay, na nagsilbing dagdag-lakas at inspirasyon sa lahat ng mga volunteer na nakiisa sa gawaing ito.

Maraming salamat din sa ating mga Barangay Officials, BHW, 4Ps beneficiaries, Fisherfolk, UPLIFT, Walang Gutom Program beneficiaries, TANOD, BPAT, at sa buong komunidad na nagkaisa para sa iisang layunin.

Ang inyong pakikiisa ay patunay na sa pamamagitan ng pagtutulungan at pagkakaisa, makakamit natin ang isang mas malinis, maayos, at ligtas na pamayanan.

Sama-sama sa pagkilos, sama-sama sa pagbabago.

A Cleaner Coast, A Healthier and More Livable Barangay Cadiz

Originally posted on the MENRO Kalamansig Facebook page.